UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER TWO
Sinasarado na ni Trisha ang kanyang shop ng biglang may tumawag sa pangalan niya, boses ng isang babae. Hindi niya iyon pinansin at patuloy lang siya sa ginagawang paglock ng pinto ng shop. Ayaw niyang makioag chismisan kanino man kaya kung may gustong makipagusap sakanya na hindi konektado sa negosyo niya ay nagdadahilan nalang siya, paraan upang maiwasan ang makipag-usap.
“Trishaaaa!”, ang sigaw ulit ng babae na nasa sasakyan.
Bumaba ang babae at lumapit kay Trisha. Hinawakan nito ang braso ni Trisha para mapansin siya.
“Trisha, best!”, ang sabi ng babae.
Humarap si Trisha at nakitang si Cindy pala iyon. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat at kung paano siya nahanap ng dalaga.
“C-cindy? paanong. . .?”, ang tigil na sabi ni Trisha dahil nakita niya ang isang kotse at bumaba doon si Lester. Palapit na din ito sa kanila
“Sa wakas nakita na din kita, kumusta kana? Ano bang nangyari sayo bat bigla ka nalang nawala?”, ang naiiyak na sabi ni Cindy at saka yinakap ang kaibigan.
“Ok lang ako, may pupuntahan pa ba kayo? Sa bahay nalang tayo magusap”, ang paanyaya ni Trisha.
Sumakay nga sila sa kotse ni Lester. Habang nasa pauwi na sila ay ikwenento ni Cindy at Lester ang napagdaanan nila bago naging sila. Tatlong taon na silang magkasintahan, at balak na nilang magpakasal lalo na ngayon at nahanap na nila si Trisha. Sa apat na taong hindi nakita ni Cindy ang kaibigan ay sa wakas kasama na niya.
Pagkarating nila sa gate ay binuksan ni Manang Saleng ang gate ng bahay ni Trisha. Pamana na sakanya iyon ng kanyang ina at Tito Arnold. Dahil nakipagasawa ulit ang ina niya at doon na sila tumira sa bahay ng asawa niya sa probinsya kasama ang step sister niyang si Stephanie.
“Mommy, mommy!”, ang salabong ni Brayll na noon ay mag-aanim na taon na. Humalik ito sa kanyang ina at saka yinakap.
Mabait, matalino at malambing ang anak ni Trisha. Napakagwapo din nitong bata at sigurado siyang nagmana ito sa ama niya.
“May anak kana pala, asan ang asawa mo, gusto namin siyang makilala”, ang masayang sabi ni Lester.
Lumungkot ang awra ni Trisha, nahalata iyon ng dalawa kung kaya nagtinginan sila.
“Baby this is tita Cindy and tito Lester, remember them? Sila yung mga kwenekwento ko sayo na mga friends ko”, ang sabi ni Trisha
“Hello tita, hello tito”, ang masayang bati ni Brayll at saka yumakap sa dalawa.
“Pumasok na muna tayo, at ipaghahanda ko kayo ng meryenda”, ang paanyaya ni Manang Saleng sa kanila.
Si Manang Saleng nalang ang kasama ni Trisha sa bahay. Mula noong pinagbubuntis niya si Brayll at lumipat na ang pamilya niya, ay ito na ang nagaasikaso sakanya. Yaya siya ng kapatid niyang si Stephanie, kaya matagal na itong naninilbihan sa pamilya niya.
Pagkatapos ihain ni Manang Saleng ang meryenda ay kinuha na niya si Brayll para makapagusap sila ng maayos. Sinimulan ng ikwento ni Trisha ang nangyari sakanya.
Four years ago. . .
Naging masaya ang pagsasama nila Leo at Trisha bilang magkasintahan. Si Leo ang first love ni Trisha kung kaya pinangako niya sa sarili na mamahalin niya ito higit pa sa buhay niya. Ramdam ng dalaga na mahal na mahal siya ng binata, ngunit ang hinihiling niya na ipakilala siya sa parents ni Leo ay hindi magawa ng binata.
Lagi nitong rinarason na busy ang mga magulang niya, samantalang siya ay pinakilala...