Connected To You


Connected To You”
SIMULA
Tatlong oras na akong nakaupo dito sa may plasa sa amin at hinihintay ang pagdating ng tiya Lordes ko.Galing pa ako sa paaralan at hindi pa nakapagbihis dahil may importante daw itong sasabihin.Nakamasid pang ako dito sa mga dumaraan baka sakaling makita ko si tiya pero makalipas na ang ilang minuto ay sumuko na ako.Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyonang umuwi na.
Tumayo na ako at binitbit ang bag ko ng may mahagip akong isang lalaking naka upo sa kabilang bench na kaharap lang ng inuupuan ko kanina.Umiiyak ito habang nakatulalang nakatitig sa mukha ko.Napataas bigla ang kilay ko ng tumayo ito at humakbang palapit sa akin.Akala ko lalampasan lang ako kasi hindi lang ako ang tao dito pero nabigla ako ng tinawag nito ang pangalan ko.
“Hannah” malambing nitong ani sa akin kaya napaatras ako ng kunti palayo dito.
“Teka!Sino ka po?Kilala po ba kita?” takang tanong ko dito.Kita ko naman paano tumulo ang mga luha nito.
“You don’t know me?”...


napaamang ang bibig ko ng halos lumuhod na ito sa harapan ko,kaya dali dali ko itong pinatayo ng diretso.
“Sandali lang po!Ano po ba sadya niyo sa akin at bakit alam niyo pangalan ko?” tanong ko sa kaniya,napasinghap naman ako ng hawakan nito ang mukha ko at marahang hinaplos ang pisngi ko.
“You’re crying” napakunot naman ang nuo ko sa sinabi nito at hinawakan ang pisngi ko.Nagulat naman ako ng may makapa akong basa galing dito.
“Ah,eh,nagkakamali po ata kayo.Sino po ba kayo mr. at bakit niyo ako kilala?” ngumite lang ito at pinagtagpo ang mga nuo naming dalawa.
“Ang sabi mo,hindi mo ako makakalimutan.Ang sabi mo hindi mo ako iiwan.Nangako ka diba,you promise.Tabi pa tayo natulog nang gabing iyon,tapos kinabukasan wala kana.Nasaan na ang pangako mo?” umiiyak nitong ani habang nakapikit.
“Tek-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay.
“Balang araw ay maaalala mo rin ako.Remember,you and me are connected to each other” saad nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top