Ghosting


Ako si Rizza Clumber at isang future educator . Nasa first year college pa lang ako ng makilala ko si James. Naging crush ko siya sa unang linggo ng pag-aaral ko sa college. Hindi ko siya classmate ngunit pareho kaming first year at same course din.

Nagstart ang lahat sa pagiging marupok ko. Kapag nakikita ko siya, ‘di ko maiwasan na ‘di siya ngitian. Nagpapansin talaga ako sa abot ng makakaya ko. Hindi ko alam kung napapansin niya o hindi.

Isang araw, nagfriend request ako sa kanya sa facebook. Ang bagal niya kasi kaya ako na ang unang kumilos. Sa araw din ‘yon, tinanggap niya ang friend request ko at may bonus pa dahil nakatanggap agad ako ng message niya .

Umatake na naman sa katawang lupa ko ang pagiging malandi. Binuksan ko agad ang message niya, isang message paanyaya lang naman pala para sa mga classmate kong lalaki. Isang friendly game ng larong basketball. Pinapasabi niya sa mga kaklase ko kung sino BA ang willing makilahok. Kahit hindi para sa’kin ang message na ‘yon. Napangiti parin ako sapagkat nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Isang premyo na iyon para sa akin . At dahil don, nagsimula ang lahat ng kalandian ko. Ang karupokan ko’y mas lalong nag-evolve.

Nagsimula ang pagchachat namin sa isa’t isa. Umabot sa puntong nagalit na ako sa kanya dahil nilait niya ang section na meron ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Ipinamukha ko sa kanya ang salitang ” Who you kung masama naman ang ugali mo” . Humingi naman agad siya ng tawad sa akin at dahil mamon ang puso ko, pinatawad ko siya.

Naging maayos na ang usapan namin hanggang sa nagbiro na siyang hihintayin niya daw ako dahil magsasabay kami sa pag-uwe. Akala ko noong una’y nagbibiro lang siya. Hindi niya seseryusohin hanggang sa nagulat ako ng sabihin sa akin ng bida – bida kong kaklase na may lalaking naghihintay daw sa akin sa labas ng room. Hindi agad ako naniwala dahil 6:00 pm na nang gabi at ang pagkakaalam ko kami na lang ang natitirang tao sa school na nagkaklase pa. Napaisip ako at dahil curious din ako kung sino ang lalaking naghihintay sa labas ng room. Nagpaalam ako sa Professor namin para lumabas kahit may nagrereport pa sa unahan.

Dali- dali akong lumabas ng room kahit nasa hinala ko nang si James ang naghihintay sa’kin at hindi nga ako nagkamali. Si James nga ang lalaking nasa labas.

Simula ng araw din iyon, lagi na niya akong hinihintay. Dumating sa punto na nakakatulog na siya sa labas ng room namin sa kakahintay sa akin. Dahil sa mga effort niya kaya mas nainlove at nahulog ang loob ko sa kanya. Alam kong napakabilis para mahalin agad siya. Sa mga effort na ginagawa niya ang nagtutulak sa akin para ibigin siya.

Ilang araw siyang gano’n sa akin. Until dumating ang event na hindi ko makakalimotan. Ang acquintance namin, umaga pa lang pinuntahan na ako ni James para ipaalala sa akin na magdala ako ng jacket ,baka daw kasi ginawin ako mamaya .

Lumipas na naman ang oras na kung saan nagsisimula na ang program para sa aming acquintance night at ngayon kasama ko si James . Wala kaming pakialam sa mga taong nagkakasiyahan sa dance floor basta ang alam lang namin kaming dalawa lang ang magkasama. Nakasalampak kaming dalawa sa semento at masayang nag-uusap. Magkahawak ang kamay kahit walang kami.

Pinaramdam niya sa akin...


ang pagiging sweet niya, lagi niya akong tinatanong kung gutom na ako at bumibili ng mga pagkain kahit ‘di ko naman sinasabi. Tinanong niya ako kung may pag-asa siya sa akin. Sinagot ko siyang ” Hindi ko alam basta gusto muna kitang makilala pa” . Tumango siya bilang tugon na okay lang sa kanya. Sa buong gabi, kaming dalawa lang ang magkasama. Pinapatong niya ang ulo ko sa balikat niya kapag inaantok ako. At noong gabing iyon, narealize ko kung gaano siya kaalaga sa akin. Natapos na ang acquintance nang hindi namin namamalayan dahil medyo madilim pa at hindi pa p’wede umuwi kaya nagstay muna kami sa loob ng seven eleven. Uminom ng kape para magpa-init. Hindi ko akalain na ikikiss niya ako sa pisnge . Pinagpawisan ako ng sobra dahil sa ibang init ng aking nararamdaman. Sa oras na ‘yon, ‘di ko na alam ang iisipin ko.

Dumating ang umaga at nagpasya na kaming umuwi. Gusto niya sana akong ihatid pero dahil ayaw ko kaya wala siyang nagawa. Hindi na kami masyadong nagchat o nag-usap na, dahil sabado ngayon ay walang pasok sa school kaya di ko siya nakikita.

Sumapit ang linggo kung saan nagkita at kinausap niya ako. Kinamusta niya lang naman ako. Dahil may service kami sa church kapag linggo kaya inimbitahan ko siya na sumama. Pumayag naman siya, malayo ang church namin kaya kailangan sumakay ng bus at magbiyahe ng 2 hours bago makarating. Habang naghihintay kami ng bus , napansin kong may tattoo siya. Wala naman kaso sa akin ang may tatoo kaya ‘di ko iyon pinansin. Napansin ko rin na habang tumatagal kami nรค magkasama ay panay reklamo niya katulad ng paglibre ng leaders ko sa pamasahe namin, sa paghihintay namin ng bus at pag-abot ko ng pera sa pulubi keso tinuturuan ko lang daw na maging tamad ang pulubi. Napuna kong ang dami niyang ayaw รคt natapos ang linggo na puro siya reklamo.

Lagi ko siyang tinatanong kung okay lang siya . Sagot naman niya ay okay lang daw.

Hating gabi na kaming nakauwe galing sa church namin sa sobrang haba ng biyahe. Siya ang unang bumaba ng jeepney dahil malapit na ang bahay nila, bago siya bumaba ay hinalikan niya ako sa pisnge. Napangiti ako sa ginawa niya, pagkauwe ko sa bahay ay agad akong nagmessage sa kanya ngunit wala siyang reply.

Ilang araw ang lumipas at pakiramdam ko’y may nagbago sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin.

Hindi na rin niya ako hinihintay tulad ng dati. Wala akong ideya kung bakit siya nagbago, pinaramdam ko naman sa kanya na importante siya sa akin. Hanggang sa isang araw, nabalitaan ko mula sa matalik niyang kaibigan ang isang napakasakit na dahilan kung bakit siya umiwas .

Sinabi ng kaibigan niya sa akin ang lahat . Pinagtripan niya lang ako’t pinaglaruan.

Natawa na lamang ako subalit ‘di ko naiwasan na hindi masaktan. Mabuti nalang, ‘di ako nahulog sa patibong niya.

Nadurog ang puso ko ng marinig ko ‘yon. Umiyak ako at nagalit pero wala naman mangyayari kung aawayin ko pa siya.

Masakit pero ang dapat isipin natin, hindi tayo yung nawalan.

Huwag tayong manghihinayang dahil nasa likod nila ang karma.

Masaya man silang nakapanakit, ayos lang.

Dahil masaya naman tayong may natutunang Aral mula sa kanila .

Isipin niyo lang na mas marami pang worth it diyan kaya para sa mga taong nasaktan.

Go lang! Sinaktan nila kayo dahil ayaw nilang maunahan na baka sa huli’y sila ang masaktan.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. hi ang ganda nmn ng kwento m pede ko ba syng icopy

  2. Jamila Villanueva

    ang ganda ng story mo nakaka iyakk grabeโ˜น๏ธ

Leave a Reply


top