“Borex! ” nang, gagaliiti ang tunay na ina ni Hayasein nang sagutin ang tawag nya. “nasaan ang Anak ko! ” nakakunot ang noo nito.
“Hwag ka nang mag alala, magiging okay din ang anak mo.” Alexa. “Tulad mo ay mukhang namana nya ang matitigas mong buto. ” nagbibirong saad ng Lalake na tinatawag na Borex. “hindi ako maaaring makialam, alexa, proffesor ako sa East at, hanggang dun lang yun kung hindi ay mapapahamak si Master Jiro. ”
Halos mapakurap si Alex nang, banggitin nito ang pangalan ng asawa nya, pero pilit nyang hindi pinahalata ang Galak sa puso nya. “hindi ako magiging okay hanggat hindi pinakakawalan sa punong iyon ang anak ko! Nasan si Alyana bakit wala, syang ginagawa? ” nakatuon ang kamay ni Alexa sa mesa habang nasa kawalan ang matatalim nitong titig.
“Wala si Alyana, mukhang nag papagaling pa ng sugat nya, tsaka tyak na nagalaw lang nila ang Anak mo dahil wala roon ang mga Rank student, bakit ba kasi, napasok sya sa East, samantala na nanahimik na nga sya sa West! ”
“ang matandang iyon! Hindi sya talaga titigil hangga’t hindi kami, nauubos! “gigil na ibinaba ni Alexa ang Telepono samantala napa buntong hininga si Borex dahil mula, sa office nya ay natatanaw nya si Hayasein na namumutla na ang mga labi dahil sa labis na uhaw.
“Tsong.. Wala ba tayong gagawin? ” ani Kevin, isa pang proffesor sa East. Nakasandal ang kalahati ng katawan nya sa pinto habang nakatanaw din sa dalagang naroon sa puno .
“wag mo kong tawaging tsong piste ka! “suway ni Borex.
” ang batang Sillvannia. “patungkol pa nito kay Eight.” iba sya kumpara sa mga matatandang Silvannia, alam kong gagawin nya ang tama kaya tayo na sa klase.” binitbit nito ang mga libro tsaka naglakad palabas ng office. “wala na si Alexa sa Kulungan. ”
“talaga?”sabik na saad ni Kevin. “ibig sabihin ba ay makakaalis na tayo dito at makakapag asawa na tayo? ”
Kamuntikan na syang mabatukan ni Borex dahil sa sinabi. “siraulo ka talaga fourty three na tayo kaya wag ka nang umasa! ” inis na anito tsaka dumeretso sa room nya. “Good morning Class. ” bati nya sa mga sinior na Estudyante ngunit isa ma’y walang sumagot sa kanya, animo’y walang proffesor sa harap, patuloy lamang ang mga Estudyante sa kung ano ang ginagawa ng mga ito. Mayroong na ninigarilyo, mayroong nag do’droga halos lahat ay may kanya-kanyang bisyo.
Napangiwi si Borex dahil sa loob ng dalawampung taon na pagkaka kulong sa lugar na ito ay mukhang ngayon lamang sya napuno at nakaramdam ng pagka...