Incompatible Part 33


Author: Ren Salazar
Nagtaka ang Boss nina Schiyev at Hanz kung bakit mag isa lang ito at hindi kasama ang babae. Sinabi naman niya na biglang sumama ang pakiramdam ni Schiyev at sinabi rin niya sa kanilang Boss na asawa ni Zu ang huli kaya iniwan niya rito si Schiyev.
Habang naka upo si Hanz,bumalik sa kanya ang mga sinabi ni Zu.
” Asawa nya si Schiyev? ” Tanong niya.” Saka nya rin naalala ang kanyang mga nalalaman mula kay Rhea. Si Zu pala ang ikinukwento nitong asawa na bakla ng kaibigang si Schiyev. ” Bakla si Zu. Ginagamit niya lang si Schiyev para pagtakpan ang tunay niyang pagkatao.” Kunklusyon niya.
Samantala…..nagising na si Schiyev. Nagising siyang nasa kandungan ni Zu. Si Zu na nakatulog na rin.
” Zu…” malambing niyang hinawakan ang mukha nito.
” Mmm…gising ka na pala. ” Sabi nito nang magising dahil sa haplos ni Schiyev.
Bumangon si Schiyev at umayos sa pagkaka upo.
” Hinimatay ka kanina sa elevator. ”
” Ah..oo. nahihilo kasi ako. Alam mo naman na ganoon ako kapag nasa loob.”
” Pero sabi mo nga diba? Ok ka na sa loob ng elevator? ”
” Oo nga. Pero hindi ko naman alam na mangyayari ulit yung noon.”
” Teka..kumain ka ba?”
” Ha? Ah..oo. kumain naman ako ng tinapay bago umalis.”
” Tinapay? Nakakabusog ba iyon?”
” Sorry. Wala kasi akong ganang kumain kanina. Kaya yon lang kinain ko.” Sabi niya.
” Kaya ka siguro nahilo dahil hindi sapat ang tinapay na kinain mo para sa karagdagang lakas mo sa trabaho.”
” Siguro nga..”
” Halika na. Kakain tayo sa labas. ”
” Sandali..may kasama ako kanina pagpunta rito.” Naalala niya si Hanz. ” Nagkakilala ba kayo?”
Natigilan saglit si Zu.
” Ah..hindi masyado. Pinaalis ko na kasi agad. Nagalit ako kasi hawak hawak ka niya.” Dahilan niya.
” Uy! Katrabaho ko lang yon. ”
” Hehe..alam ko naman yon. Saka alam ko rin na masyado mo kong mahal para ipagpalit sa lalaking iyon.”
” Abah….ang lakas ng loob ah. Porket totong mahal kita.”
” Naman…” Sabi niya. ” Halika na nga.”
Inayos ni Zu ang sarili at pagkatapos,nilapitan ng maigi si Schiyev at tinulungang ayusin ang sarili. Pati buhok nito siya ang nag ayos.
Imbes na sa elevator sila patungo,biglang lumihis ng direksyon si Zu.
” O! Nandoon ang elevator ,ah?”
” Sasakay ka na naman don? Gusto mo bang mahilo na naman at baka nga magsusuka ka pa. ”
” Eh..saan tayo dadaan?”
” Hawakan mo lang kamay ko. ” kinindatan pa niya si Schiyev.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang hawakan ang kamay ni Zu gaya ng sabi nito.
” Pumasok na tayo.”
” Ha? Eh..elevator rin naman to.”
” Ibang klase to. Magtiwala ka.”
Pagbukas ng ibang elevator na nakaharap sa kanila,inalalayan siya ni Zu pumasok dito. Nakapakit pa siya habang humahakbang.
” Buksan mo yang mga mata mo.” Ani Zu sa kanya. “Magugustuhan mo rito.”
Dahan dahan namang binuksan ni Schiyev ang kanyang mga mata. Namangha siya nang makita ang mga gusaling nagtataasan mula sa loob ng elevator na gawa sa salamin.
” Zu…matagal na ba to rito?” Tukoy niya sa sinasakyang kakaibang elevator.
” Kamakailan lang natapos ito. Pinasadya ko talaga ito para sayo. Pero bago tayo,may nakasakay na rito. Kaya safe tayo rito.”
” Ang ganda ,Zu. Kita ko lahat ng nga buildings oh. Saka yung ibang maliliit na establisments.” Sabi niya nakadikit pa ang dalawang kamay sa salamin.
” Mabuti naman at nagustuhan mo. Hindi rin kasi ako sigurado kung masusulusyunan ba nito ang takot mo sa elevator.”
Binalingan siya ni Schiyev saka nilapitan. Niyakap siya ng mahigpit.
” Salamat ha. Gumastos ka pa dito ng malaki para lang sakin.”
Bumitaw si Zu sa pagkakayakap ni Schiyev sa kanya.
” Mahal kita. Lahat kakayanin para sayo.” Pagtatapat niya kay Schiyev bagamat nasabi na niya rito ang kanyang nararamdaman.
” Zu…”
Si Schiyev na mismo ang humalik sa kanya bilang ganti ng pagpapakita nito ng kahalagahan niya sa asawa.
Ang halikang iyon ay tumagal hanggang sa marating nila ang ibaba. Madalang ang mga taong dumadaan sa parteng iyon ng gusali dahil nasa likuran ito at medyo tago. Kaya malaya nilang ninanamnam ang bawat mapusok na halik na taglay ng isat isa.
Lumipas ang ilang araw,nakatanggap ng tawag sa telepono si Zu. At si Hanz iyon.
” Bekket,pwede ba tayong mag usap?”
” Para ano pa? Tapos na tayo.” Tanggu niya kay Hanz.
” Please..”paki usap nito sa telepono. ” Kahit….kahit ngayon lang. “Pilit pa rin ni Hanz.
” Pwede ba ,Hanz. Tigilan mo na ko. Masaya na ko ngayon.”
” Ako hindi. Hindi ako masaya. Matagal na kitang gustong makita. Gustong lapitan pero…pero natatakot ako na baka pagtabuyan mo ko.”
” Huh! Mabuti naman at alam mo.”
” Kaya please…magkita tayo. ”
” No. Ayoko.” Pilit na kinakalma ni Zu ang kanyang sarili. Nasa labas kasi siya at hinihintay ang pagdating ni Schiyev. Sinusundo niya ito sa trabaho.
Si...


Hanz naman ay nakadungaw sa binatana ng kanyang opisina. Tinatanaw sa ibaba ang kausap niyang si Zu.
” Sasabihin ko kay Schiyev na may relasyon tayo.” Banta nito para lang makumbinsi si Zu na makipag usap sa kanya.
” Huh! Alam mong tapos na tayo!” Hindi na rin niya napigilan ang galit sa lalaki. ” Kaya pwede ba…”
” Hindi ako nagbibiro.” Seryoso talaga si Hanz.
Dagling natigilan si Zu. Ayaw niyang makipag usap kay Hanz dahil natatakot siyang baka bumalik ang kanyang nararamdaman rito. Natatakot siyang lambingin ni Hanz dahil alam niya kung papano gagawin ng huli yon. At baka madadala siya.
Pero anong magagawa niya? Mas takot siyang malaman ni Schiyev ang totoong tungkol sa kanila ni Hanz. Kaya naman…..
” Saan? ”
Sumilay ang kagalakang ngiti ni Hanz nang marinig yon kayZu.
” Pwede bang mamaya? Sa condo ko.”
” Hindi pwede..” sabi niya. Iniiwasan niya talagang makapag solo sila ni Hanz.
” Sa condo ko. ” Ngunit mapilit talaga si Hanz.
” Hanz..”
” Hanz? ”
Biglang napalingon si Zu nang marinig niyang inulit ni Schiyev ang pangalan ni Hanz.
” Yeobo…an..andito ka na pala. ” Nauutal pang sabi ni Zu.
” Bago lang. Kausap mo ba si Hanz? Yung katrabaho ko?” Tanong ni Schiyev.
” Ah…” Tinakpan ni Zu ang telepono pagkatapos binabaan si Hanz. ” Oo. Sumakay ka na. ”
Inalalayan pa niya si Schiyev sa pagpasok sa loob ng kotse. Pagkatapos,siya naman.
” Yeobo..binigay mo ba number ko kay Hanz?” Usisa niya.
” Oo. For Business matter daw kung saka sakali sabi niya. ”
Sandaling natahimik si Zu.
()” Huh! Business matters raw pero personal matters pala.” Bulong nya. )
” Ahh…” Tango niya.
At saka umusad ang oras. Matapos umuwi sa mansyon,nagpaalam saglit si Zu kay Schiyev. May urgent meeting raw pero kay Hanz ang tungo.
” Tapusin mo ng maaga yang meeting mo ha.”
” I’ll try. ” Sagot niya kay Schiyev. Saka siya humalik sa noo at labi nito bago tuluyang umalis.
Habang nasa daan,tinawagan niya si Hanz. Sinabi naman agad ng huli kung nasaan ang condo niya. Pagdating doon…..
” Pasok ka.” Malaking ngiti pa ang ibinungad ni Hanz kay Zu. Naka boxer shorts lang at walang suot na pang itaas. Lantad na lantad ang mala pandesal nitong abs na sinadya niyang ipakita kay Zu.
Tahimik lang na pumasok si Zu sa condo ni Han. Malaki ito at malinis.
” Hanz…” Panimula ni Zu pero nagulat siya sa ginawa nito. Bigla na lang siyang niyakap.
” I miss you. I really miss you.” Sunod sunod nitong saad habang panay ang yakap sa kanya.
Si Zu naman ay naglakas loob na itulak siya at napa upo sa sofang malapit sa kinatatayuan nila.
” Tigilan mo na ko,Hanz. I swear!magagawan kita ng masama kapag nalaman ni Schiyev ang tungkol satin noon.” Sigaw niya sa lalaki.
” Go on! Gawin mo kung anong gusto mong gawin sakin. Tutal,matagal na kong nagsisisi dahil sa hindi ko sinadyang pangyayari. ” Napataas na rin ng boses si Hanz. ” Yeobo..” ngayon ay muli na naman niyang niyayakap si Zu.” Hindi ko siya hinalikan . Hindi ko ginusto yon. Sinadya lang ni Gelly yon para makita mo. ”
” Nagpadala ka naman.”
” No!”
” Kitang kita ko ,Hanz! Kitang kita ko kung paano mo hawakan ang likod ng kanyang ulo. Kung paano mo siya hinahaplos haplos.”
” Ok! Aaminin ko! Natukso rin ako at…at may nangyari samin. Pero ,alam ng diyos na ikaw lang ang mahal ko. ”
” Mahal? Baka naman ibang pagmamahal ang tinutukoy mo?”
” Mali ka! Alam mong tapat ako sayo. Hindi tayo tatagal ng isang taon kung hindi kita totoong mahal. Ikaw lang din ang tumanggap sa buo kong pagkatao,Bekket.”
” Its Zuriel! Ang bekket na kilala mo ay wala na. Naglaho na siya simula nang…simula nang pakasalan ko si Schiyev. ”
” But you’re not inlove to each other!” Sabat niya.” Alam ko ang kwento niyong dalawa. Sinabi sakin ni Rhea. Hindi ko nga akalain na iisa lang pala ang taong mahal namin ni Schiyev. ”
” Tama ka. At first,hindi ko siya gusto. Pero nagbago yon. Binago niya ko. Nahulog ako sa kanya. Nagkagusto ako sa kanya. At ang gustong nararamdaman ko noon ay nauwi sa mahal. Oo. Mahal na mahal ko si Schiyev. Tinanggap niya rin ako ng buong buo gaya mo. Pero iba siya,ibang iba siya sayo.”
” Paanong naging iba? !Ha?! Kayang kaya ko ring gawin ang ginagawa niya sayo! ” Pagkasabi non ay agad niyang binuhat si Zu papuntang kama at pinatungan.
Pinipilit na halikan pero naging mapanglaban si Zu. Malakas niyang naitulak si Hanz saka pinatungan at inundayan ng isang malakas na suntok. At isa pang suntok. Tumigil naman agad nang makitang duguan ang labi ni Hanz.
Umalis siya sa ibabaw nito at agad na lumabas ng condo. Hanggat maari ay iiwasan niyang magkatagpo silang muli ng lalaking minahal rin naman niya ng todo noon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top