THE GIRL BEHIND THE MASK CHAPTER 3


Felix POV
“Dre! Sasali ka sa basketball?”tanong ni zeke
“Ah oo, kayo?”
“Yup sadali din kami yung team captain si drake”sabi ni jeon
“Goodluck dre!”sabi ko kay drake
Andito kasi kami ngayon sa rooftop ng bahay namin nag uusap wala kasing klase ngayon dahil may gagawin ang mga teachers para siguro sa paparating na FIS gaming day
“Felix!!”tawag ni mama sakin sa baba hays kahit kailan ang ingay talaga ni mama panay sigaw hindi marunong makipag usap ng hindi sumisigaw.
“Baba muna ako guys tapos bibili nadin ako mamaya sa labas ng makakain natin”ani ko
“Segi dre”wika nilang tatlo
Bumaba na ako at pinuntahan si mama baka magalit naman sya tigre pa naman yun
Opss HIHIHI
“Kanina pa tawag ko sayo ba’t ngayon kalang?”galit na sigaw ni mama
“Ma easy ka lang ok, yung puso mo”sabi ko kay mama at mahinang tumawa
“Bogshhh”
“Aray ma masakit eh”sabi ko kay mama binatukan ba naman ako
“Ikaw kasi kahit kailan napaka suwail mo bw*sit kang bata ka”galit na galit na galit na si mama lumabas nalang ako ng bahay at bumili ng makakain naming apat kanina pa sila siguro nagugutom

“Dre mukhang galit na galit kanina si ermat mo ah!”natatawang saad ni jeon
“Hayaan muna si mama sanay na’ko do’n palagi naman syang ganyan eh”sabi ko
“Kumain na tayo”sabi ni drake
Siguro masyado na syang gutom tanghali na kasi eh hindi pa kami naka lunch sa labas nalang kami mamaya kakaing apat kong dito sa bahay nako baka kung ano pa’ng gawin ni mama sa mga kaibigan ko
Blythe POV
“Gernine sasali tayo sa tennis tournament sa gaming day ng FIS”sabi ko kay gernine
“Sure blythe”
“Bukas magti training tayo para may panlaban tayo, malaki pa naman ang premyo ng mananalo”ani ko
“Ok bukas pupunta nalang ulit ako dito sainyo”sabi nya
“Segi uuwi na ako at baka hinahanap na ako ni mommy do’n sa bahay bye”wika nya at nakipag beso
Mitch POV
Nagbibihis ako ngayon dahil aalis kami ni Ylaisa gusto nya kasi maglakad lakad sa park kaya sinamahan ko sya bored naman kasi ako dito sa bahay eh
Nagsuot ako ng black shorts then yung jersey kona black din tinali ko ang mahaba kong buhok naglagay ng kilay at nagblack mask at umalis na wala naman sina mom and dad dahil nasa work si clyde naman ay nasa school
Few minutes later…..
“Kanina kapa ylai”tanong ko rito
“Hindi naman masyado”sabi nya
“Tara lakad lakad muna tayo”dagdag pa nya
Habang naglalakad ay masaya kaming nagkukwentuhan about funny things at kong ano ano pang topiko
Hindi naman sya boring kasama at saka marami syang baon na topiko hinding hindi ka talaga mabo- bored pag kasama mo sya
“Umupo muna tayo doon sa bench ohh”sabi nya’t hinila ako papunta sa bench
“Sya nga pala mitch gusto moba sumali sa badminton”
“Saang badminton lai”
“Sa gaming day ng FIS, kung gusto mo may basketball, billiards at volleyball din ang mga babae pumili kalang”
Hmm kung sa basketball kaya tutal marunong naman ako mag basket saka pwede rin sa badminton……..
“Pwede ba dalawa Ylaisa?”tanong ko
“Sure pwede na dalawa or even tatlo pwede eh”
“Sa badminton at basketball nalang ako”
“Pero need kunin ang mask mitch”sabi nya na kinagulat ko
“Hindi na lang ako sasali kong ganon”saad ko
“Hindi joke lang mitch binibiro lang naman kita eh”wika nya’t tumawa parang baliw
“Pumunta nalang tayo doon nagugutom na’ko”sabi ko sabay turo do’n sa munting karenderya I’m so hungry na kasi eh nagagalit na yung tummy ko
Walang pa sabi na hinila ko sya do’n patungo sa karenderya
“Ano gagawin natin dito”
“Syempre kakain ikaw talaga ylai”
“Wala akong cash mitch”alalang sabi nya
“Don’t worry sagot ko’to okay”sabi ko at kumalma sya
Umorder na kami at naghanap ng upuan at sa kasamaang palad ay wala ng mesa at upuan na available
“Mitch!”bulong sakin ni ylaisa
“Oum”
“Do’n nalang tayo maki upo kina drake ohh”
“Ano!”gulat kong sabi
“Tara na”sabi nya’t hinila ako
“Uhmm pwede kami maki upo?”nahihiyang tanong ni Ylaisa
Nilibot ng isang lalaki ang tingin nya’t tiningnan kami mula ulo hanggang paa
“You may”maikling wika...


nya kaya umupo kami at tahimik na kumain
Habang kumakain ay masayang nagku kwentuhan silang apat ngunit kami ni Ylaisa ay tahimik lang tsaka naiilang ako kasi hindi ako komportable na may kasama kumain na hindi ko gaano ka close
(Note:hindi si mitch kumain uminom lang sya ng juice pero mask on parin)
“Uhm mauna na kami sa inyo”paalam ni Ylaisa matapos namin kumain
“Aalis na kayo?”tanong ni zeke
“Oo eh tapos na naman kaming kumain eh”dagdag pa ni Ylaisa
“Pwede ba kayo mayaya mag ikot ikot?”biglang tanong ni Felix
“Huh ah eh nakakahiya naman kong pati kami isasama nyo sa lakad nyo”nahihiyang sagot ng kasama ko
“Hindi naman, ok panga eh tsaka wala din naman kaming ibang kasama”sabi ni jeon
“At boring din kong kaming apat lang diba guys”pahabol nya
“Oo nga sumama na kayo treat ko”biglaang sabi ni drake na syang nagpa nganga sa lahat except sakin oky
“Kong ganon segi nalang sasama kami diba mitch?”pagsang ayon ni Ylaisa sa kanila
“Huh ah eh sige”biglaang sagot
Nako what happened ayoko eh ito talaga ang bibig ko pahamak naman eh
Arghhhh shıt kainis
Drake POV
Matapos mag snack napag isipan namin na kumain sa malapit na karenderya ayaw kasi namin sa restaurant magastos eh ayaw ko gumasto ng malaki ngayong araw
Ng makarating kami sa karenderya ay maraming tao na kumakain dito kaya pinaorder na namin si jeon at zeke ng makakain
Kakain na sana kami ng biglang may dalawang babae na dumating at gusto makisalo ng table
Kaya ng mapagtanto ko na wala ng bakanteng mesa pinayagan kuna sila kawawa naman ang mga binibining ito eh
Masaya kaming nagku kwentuhan habang kumakain samantalang tahimik lang ang dalawang binibini
Ng matapos sila kumain nagpaalam sila na umalis pero inaya sila ni Felix na sumama samin mamaya mag ikot ikot at sa huli pumayag nadin sila

“Do’n tayo banda”sabi ni zeke at tinuro ang kinaroroonan ng mamang nag bebinta ng street food
“Manong 12 isaw po saka 12 din na fishball saka 12 nadin na siomai at 6 na juice”sabi ni jeon sa mamang nagbebenta
Siniko ko ito at binulongang “hoy ano ibabayad mo dyan? Napaka rami nyan”
Tumawa sya “Don’t worry ikaw mag babayad diba kasi sabi mo treat mo”
Puta oo nga pala shıt
“Manong magkano lahat”tanong ko sa nagbebenta
“100 pesos po lahat”sabi nya at binigyan ko sya ng 100 pesos
Tinahak naman namin ang daan papunta sa mga benches HAHA at doon kami kumain ng inorder ni jeon
“Masarap ba?”tanong ni zeke
“Oo” sagot ng lahat maliban kay mitch yata to pangalan
“Ikaw miss hindi kapa ba kakain?”tanong nito sa babaeng nagnga ngalang mitch
“Mamaya na sa bahay busog pako
“ani nito
“Sya nga pala ‘di pa natin kilala ang isa’t isa, ako pala si zeke lim”pakilala ni zeke
“Jeon Velasquez”
“Felix Spencer”
“Drake Montero”
“Ylaisa Jane Eyre”
“Mitch”
“Anong apelyedo?”tanong ni jeon kay mitch
“Malalaman nyo din pero hindi ngayon” makahulugang sabi nya
Ano kaya ang ibig nyang sabihin sigurado akong may tinatago sya na malalim na sekreto pero ano yun
“Teka lang pwede moba hubarin mo ang mask mo” ani ko
“Hindi pwede, bawal”wika nya at umiwas ng tingin
Bakit kaya ayaw nya ipakita ang muka nya
Bakit kaya?
Mitch POV
Hindi dapat nil malaman ang tinatago ko at baka malaman ng lahat ang tungkol sa buhay ko at pamilya ko
Wala dapat maka alam tungkol dito dahil buhay ng pamilya ko at buhay ko ang nakataya rito
“Ate pinapatawag ka ni mom” sigaw ni clyde
“Susunod na!”sigaw ko pabalik
Ano kaya ang pag uusapan namin ni mom, bakit kinakabahan ako
!¡END OF CHAPTER 3¡!
A/N:Sa isang reader kopo or to my two readers na nagtataka bakit si mitch kumain sa school sa previous chap my sektetong lugar po silang kinakainan sa school na si mitch lang ang nakaka alam at si ylaisa palang po nakaka kita ng mukha ni mitch
Pasensya na talaga dahil minsan kapag nagsusulat ako nasa malayo isip kaya di ko namalayan yung sinu sulat ko
Enjoy reading
“-kindly comment your feedback
“-typos is visible






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top