Love at First Seat Chapter 5


“Miss, babalik ako ah. Tawagan ko lang sandali ang kaibigan ko. Ano palang pangalan mo?” Nanlulumong tanong ni Jemay.
“Ako po pala si Rose ma’am.” nakangiting sabi naman ng receptionist.
“Thank you Rose. Ako nga pala si Jemay.” matapos magpaalam, ay nagtuloy tuloy an siya sa Lobby para tawagan si Agness.
Pagkaupong pagkaupo niya, siya namang labas sa Elevator nung lalaking nang away sa kanya. Ngayon niya lang ito mapagmamasdan. Gwapo naman pala talaga ang lalaki. Maputi, chinito, balingkinitan ang katawan at higit sa lahat, matangakad. Napaka amo din ng mukha nito. Yun nga lang ubod ng sungit at ubod ng kapal ng mukha!
“Miss, nasan na pala yung babae dito kanina?’ tanong ni JL sa receptionist. Pagka akyat niya sa kwarto niya kanina, agad din siyang bumaba para alamin kung nakapagpabook na ba ang babae. Hindi rin naman kasi niya kayang makitang nasa ganoong sitwasyon ang babae. Natutuwa lang talaga siya rito kapag inaasar niya dahil nakakatuwa itong asarin. Mas lalo itong gumaganda.
“Ayun sir, tatawagan daw muna niya ang kaibigan niya.”nakangiting sagot naman ng receptionist.
“Miss, pwede ba, ako na ang magbayad ng ilang araw na pag tigil niya rito? Just charged it to my credit card for 5 days. How much per night yung available na suite niyo rito?” tanong niya at mabilis na ibinigay ang credit card.
‘’Sir, ang pinaka available nalang po na Suite is Suite 418 which is 12,400/ per night. Inclusive of Breakfast and Lunch, Exclusive of Dinner.” sagot ng babae matapos tignan ang database.
“Sige, charged it here. Pero wag na wag mo sasabihin na ako ang nagbayad ah? Sabihin mo nalang na naoverlooked mo ang records niyo at nakapagreserved naman pala siya ng Suite, ibang number nga lang. Thank you.” at mabilis na siyang umalis sa reception desk.
Papalabas na siya ng pinto ng makita niya ang babae. Umandar na naman ang pagiging alaskador niya. She’s really cute!
“Oh hello there, miss stupid. What are you doing here at the lobby? I thought you already left.” nakangising bati niya rito.
“Why would i do that? Just because i don’t have a reservation here in this hotel, i will let my vacation be ruined? No way mister rude and concieted beast! Stay away from me! Marami pa akong pwedeng matuluyan na hotel dito sa Palawan!
“Ah, talaga lang ah? Well, afford mo ba naman? Eh di ba, wala ka ngang kapera pera? So pano ka mabubuhay sa bakasyon mo? If i were you, uuwi nalang ako ng maynila at doon ko nalang ipagpapatuloy ang naudlot kong bakasyon. Atleast doon sa maynila, you have friends na pwede mo utangan. Bye, miss stupid. Hope i wouldn’t be seeing you here later. Ta-Ta!” at lumabas na siya ng pinto. Pero hinabol pala siya nito.
PAKKKKKK!
“How dare you talk to me like that?! You don’t even know me personally Mister! Siguro, ng magsabog ng kayabangan at kasungitan ang Nasa Itaas, sinalo mong lahat! No wonder, you don’t have manners!”
“Alam mo? wala pang sino mang babae ang nakasampal sa akin. Ikaw palang! Pero sige, palalagpasin ko ito dahil nasa good mood ako ngayon. What? Kayabangan? Baka naman Kagwapuhan? Anyhow, I am not trained to talk to some one who doesn’t belong in my level of education. Well, that is, if you know what i mean. Base sa itsura mo, para sa akin, para ka lang pinabili ng suka ng nanay mo sa...


tindahan.” At ngumit pa siya ng nakakaloko.
Magsasalita pa sana ang babae pero tinawag na ito sa reception area.
Inis na inis talga si Jemay sa lalaking iyon. GRRRRR! May araw ka din sa akin lalaki ka! Hinding hind ko papalagpasin ang mga ginawa mong ito sa akin!
“Miss Jennaline?” tanong ni Rose.
“Yes, ako nga.”
“Ma’am sorry po, na overlooked ko po ang records namin at nagkamali po ako ng information na naibigay sa inyon. Ang Hotel room niyo po ay Suite 418.” hinging paumanhin na sabi nito sa kanya. Nginitian niya muna ito bago nagsalita.
“Okay lang Rose. Naiintindihan ko naman na stressed ka sa trabaho mo dahil peak season ngayon at marami talagang turista. Salamat ha. Pwede ko na ba makuha ang susi ng room ko? Gusto ko na muna kasi magpahinga.”
“Salamat po ma’am sa pagunawa. Heto na po ang susi. Enjoy your stay!” Pagkakuha niya ng susi, mabilis na agad siya nagtungo sa kwartong ookupahin niya.
Pagkapasok niya sa kwarto, namangha siya sa ganda ng paligid. Hindi niya akalaing Beach front view ang silid na ito. Kitang kita ang ganda ng maasul asul na dagat at ang puting buhangin. Inayos lang niya ang kanyang mga gamit at nagpunta na sa shower room para makapag palit ng damit. Pagkatapos niya makapag palit ng damit, humiga siya kama at ipinahinga ang pagod na katawan.
Samantala, nasa garden si JL at tinatanaw ang mga batang naglalaro sa may swimming pool. Ang isip niya ay nasa babaeng iyon pa rin. Gustong gusto na niya ito makilala pero sa tuwing lalapitan niya ito, nauuna palagi ang pagiging alaskador niya dahil gustong gusto niya ito makitang nagagalit. She was really cute especially when she is raging mad.
“Pare, ang lalim yata ng iniisip natin at natatawa ka pang mag isa dyan.” nagulat siya ng makita kung sino ang nagsalitang iyon. Si Raine! Ang kababata at kaeskwela niya mula elementary hanggang highschool. Naghiwalay lang sila ng mag college na dahil Nag aral siya sa States at ito naman ay nag aral sa London.
“Welcome back pare. Sinong kasama mo? Akala ko ba nasa Italy ka?”
“Oo, galing nga akong Italy. Kababalik lang namin dito sa Pilipinas kahapon. Kasama ko si Adrianna.”
“Really? I heard you two will be getting married soon right?”
“Yeah right Bro. How about you? Naunahan ka na namin. Sa ating 8, ikaw nalang ang wala pang asawa. Any lucky girl this time?”
“Naku, wala pa. Although, i am planning to settle down too. kaya lang, malabo pa sa ngayon eh.”
“Bakit naman?”
“Bro, hindi ko rin alam. After Peachy, it’s just that, I’ve lost my interest in Woman not until I found this Girl.”
“Girl? Who is she? Ikwento mo naman pare.” Excited na tanong nito.
Bago pa siya makasagot, lumapit na rito si Adrianna.
“Hey there JL! Long time no see, How are you?”
“I’m good, and how about you?”
“I”m super stressed preparing our wedding.”Makikita mo sa mga mata niya na sobrang mahal na mahal niya talaga si Raine at ganun din naman si Raine dito.
“Well, I wish you all the best and good luck on your soon to be married life.”
“Raine, mamaya na tayo magkwentuhan at mukhang marami pa kayong kailangang asikasuhin dito sa resort mo. Magpapahinga na muna ako sa room ko. Bye Adrianna. See you later.” Mabilis na paalam niya sa mga ito at pumasok na ng hotel.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top