Sa Baryo Pilapil


Isinulat ni:. Shela Mae Muris
Genre: Lovestory/horror/tragic
BAGONG lipat ang pamilya ni Badong sa baryo Pilapil. Umalis sila sa dati nilang tinitirahan dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang asawa na walang awang ginahasa ng anim na lalake, na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Hindi na nahanap pa ang mga salarin, kaya’t minabuti na lamang ni Badong na umalis sa lugar upang ilayo ang nag-iisang anak nila ni Myrna, si Manilyn.
Si Manilyn ay nasa wastong gulang na. Maputi ito gaya ng kanyang ama at balingkitan gaya ng Ina. Masasabing habulin ng lalaki ang huli dahil sa hubog ng kanyang katawan na sinabayan pa ng maamong mukha. Mahaba ang buhok nito at matangos ang ilong. May mala-rosas na labi at maamong mga mata.
Maliit lang ang baryo Pilapil kung kaya’t nakilala agad ni Badong ang kanyang mga bagong kapit-bahay. Payapa naman ang kanilang pamumuhay, ‘di tulad ng buhay nila noon sa Maynila. Isang magsasaka si Badong at si Manilyn naman ay naiiwan sa bahay upang mag asikaso ng kanilang mga makakain.
Isang araw, habbang nagluluto si Manilyn ng kanilang tanghalian ay aksidenteng napadaan si Richmond sa tapat ng kanilang bahay. Nalanghap nito ang amoy ng isang masarap na putahe. Napalingon ito sa tapat ng pinto at bumungad sa kanya ang isang napakagandang dalaga.
Si Richmond ay anak ng isang mayamang pamilya sa kanilang lugar, kaya’t hindi nakapagtataka na may hitsura ito. Maputi rin ito at matangkad, may matangos na ilong at mapupulang mga labi.
Sa unang sulyap ni Richmond kay Manilyn ay tila nahulog na agad ang loob niya rito. Ngunit isang babala ang biglang pumasok sa kanyang isip. Hindi sila maaring magkagusto sa isang mortal na tao. Halos lahat ng taga baryo ay alam ang sikreto ng pamilya nila Richmond. Ngunit walang ni isa sa kanila ang nais pang manggulo dahil hindi naman nananakit ang mga ito.
Si Richmond ay isang bampira. Siya ang nag-iisang anak nina Don Juan at Donya Melissa. Sila ay nakisalamuha sa mga tao upang itago ang totoo nilang pagkakakilanlan. Sila na lamang ang natitirang lahi ng mga bampira, kung kaya’t minabuti na lamang nilang magtago kaysa ubusin sila ng mga Lobo.
Nagsanay rin sila na kumain ng pagkain ng tao nang sa gayon ay hindi maramdaman ng mga Lobo ang kanilang presensya.
Hindi napansin ni Richmond na napatagal na pala ang titig niya kay Manilyn at natulala na ito. Napansin naman siya ni Manilyn kaya’t nilingon siya nito. Napangiti ang huli nang makita ang isang gwapong lalaki na nakatitig sa kanya. Mayamaya pa ay dumating si Badong galing sa bukid at napansin nito si Richmond na nakatingin sa kanyang anak.
“Jijo… baka matunaw ‘yang anak ko,” pabirong wika ni Badong.
“Ahh… pasensya na po mang Badong, napadaan lang ako sa bahay n’yo, ang bango kasi ng niluto ng anak mo, eh.” nahihiyang tugon ni Richmond.
Niyaya ni Badong si Richmond na pumasok muna upang saluhan silang kumain ng tanghalian, na siyang pabor din naman sa kanya dahil malalapitan niya si Manilyn.
Ipinakilala ni Badong si Manilyn kay Richmond at gayon din ang ginawa ng binata. Napansin ni Badong na namumula si Manilyn tanda na natitipuhan nito ang binata. Hindi naman tutol si Badong kung sakali dahil nasa wastong gulang na ang kanyang anak at gayon din ang lalake.
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na si Richmond. Nang makaalis ang binata ay biglang nagsalita si Badong.
“Manilyn… mukhang may naamoy akong pag-ibig, ah,” pang-aasar niya.
“Papa naman, pwede naman siguro ‘diba?” pag-amin ni Manilyn.
Simula no’n ay araw-araw nang dumadaan si Richmond upang silipin ang dalaga, hanggang sa manligaw na siya. Hindi ito alam ng mga magulang ni Richmond dahil siguradong tutol sila sa kanilang pag-iibigan.
Lumipas ang ilang buwan ay nakamit na rin ni Richmond ang matamis na pagsang-ayon ni Manilyn na magpakasal sa kanya. Sobrang saya ni Richmond nang araw na iyon, Ngunit may bigla itong naamoy na tila kakaiba. Nakaramdam si Richmond ng hindi maganda kaya’t tumakbo ito palayo kay Manilyn at umuwi sa kanilang bahay.
“Ama, Ina… may naramdaman akong may Lobo sa paligid, naamoy ko sila at naramdaman ko rin ang kanilang presensya,” nag-aalalang wika ni Richmond sa kanyang Ama’t Ina.
Hindi napansin ni Richmond na sinundan pala siya ni Manilyn at nasa labas ito ng kanilang mansyon.
“Rich! Bakit ka tumakbo?” sigaw ni Manilyn sa labas ng gate.
Nagalit si Don Juan dahil sa ginawa ni Manilyn kaya’t Pinadukot niya ito at ipinakulong sa loob ng isang kwarto.
“Rich! Sino ang babae na ‘yon?” pasigaw na tanong ni Don Juan
“Patawad po Ama, siya po ang aking kasintahan,” lumuluhang saad ni Richmond.
Hindi napansin ni Richmond na sinundan pala siya ng isang lalaki na hinihinalang Lobo. Pwersahan nitong binuksan ang gate at pumasok sa loob.
Lumabas naman si Don Juan at lakas loob nitong hinarap ang Lobo. Inakala niya na nag-iisa lamang ito, ngunit walang kisap-mata’y isa-isang nagsulputan ang mga mababangis na Lobo na kapwa nakahanda sa anumang digmaan. Iba’t iba ang kulay nito na sinlalalaki ng kalabaw at may mapupulang mga mata. May kuko ito na matatalas at pangil na tila isang kutsilyo sa sobrang talim.
Mayamaya pa ay biglang lumakas ang hangin at dumilim ang langit, tila nagbabadya ng isang digmaan. Ang malakas na sikat ng araw ay napalitan ng dilim. Lumabas din ang buwan na kulay dugo. Ang mga halaman sa paligid ay nalanta at ang mga hayop ay nanghina.
Nagsimula nang magbago ang wangis ni Don Juan. Lumaki ito ng bahagya at naging agresibo, napalitan din ng kulay ang kanyang mga mata ng kulay itim na may pula sa gitna, ang mga kuko nito ang tumalas na maihahalintulad sa tigre. Ang pangil nito at humaba na tila isang makamandag na tinik.
Nagsilabasan ang mga tao sa buong baryo. Ang lahat ay natakot at nagsisigawan. Ang iba ay nawalan ng malay, habang ang iba’y umiyak. Ang tahimik na baryo ay binalot ng isang karahasan...


na hindi mo nanaisin. Unang inatake ng mga lobo ang tao. Walang awa nila itong pinaslang at kinain ang lamang loob. Napansin naman ni Badong na wala si Manilyn sa kanilang bahay. Nakaramdam ito ng takot para sa kaligtasan ng kanyang anak.
“Manilyn! Anak! Manilyn!” paulit-ulit na sigaw ni Badong.
Nagtago ito sa mga gilid-gilid upang hanapin ang anak. Nagsimula nang tumangis si Badong nang makita ang kanyang mga kapit-bahay na pinagpipyestahan ng mga Lobo. Kitang-kita niya kung paano bawian ng buhay ang kanyang mga kababaryo. Patuloy ang pagpatak ng kaniyang luha dahil iniisip niya na baka isa na si Manilyn sa mga nilapa ng mababangis na Lobo.
Lalo pang nangilabot si Badong nang maaktuhan niya ang mga Lobo na nagbago ng anyo. Mula sa pagiging Lobo ay tinubuan ito ng dalawang paa at kamay. Samakatuwid ay naging tao. Takip-bibig siyang umiiyak dahil ang isa sa mga Lobo ay malapit sa kanyang kinaroroonan.
Hinintay niya itong makaalis bago lumabas sa pinagtataguan. Nang masiguro niya na wala na ang mga Lobo sa paligid ay lumabas ito upang hanapin ang kanyang anak. Naglakad ito sa kalsada na puno ng bangkay at halos bumaha na sa sariwa at mainit na dugo.
Habang naglalakad ay natanaw ni Badong ang kumpol ng mga kalalakihan sa loob ng bahay ni Don Juan. Akmang lalapit na sana siya ay biglang umatake ang isang lalaki kay Don Juan na naging dahilan ng kanyang pagkatakot. Agad itong nagtago sa malaking damo ang pilit tinatanaw ang loob ng bahay.
Nakita niya si Don Juan na tila isang halimaw ang wangis. Kasama pa niya ang kanyang asawa at mga katulong na kapwa kapareho niya ng hitsura.
Habang nagtatago si Badong ay dumulas ang kanyang paa sa malaking bato, dahilan upang maka likha s’ya ng ingay. Napatingin sa kanyang kinaroroonan ang ilan sa mga Lobo na nasa anyong tao at naglakad patungo rito. Halos mawalan siya ng ulirat sa sobrang takot na baka hanggang dito na lang ang kanyang buhay.
Sumiksik si Badong sa damuhan at nagpatuloy na sa pag-iyak. Inisip na lamang niya ang masasayang ala-ala ng kanyang asawa at anak. Habang hinihintay ang kanyang kamatayan ay inawit nito ang paboritong kanta ng kanyang asawa.
“She’s always on my mind, time I wake up ’till I close my eyes, she’s everything i know, she’s all i know,” maluha-luhang awit ni Badong.
Hindi pa siya natatapos umawit ay agad siyang sinunggaban ng isang Lobo. Napasigaw siya ng malakas sa sobrang sakit. Bago ito bawian ng buhay ay nasambit pa nito ang ‘ngalan ng kanyang anak.
“Manilyn!” huling salita ni Badong saka binawian ng buhay.
Samantala. Patuloy pa rin ang digmaan na nagaganap sa panig ng mga Lobo at Bampira. Si Don Juan ay pilit na lumalaban kahit alam na niya sa kanyang sarili na hindi nila ito kayang talunin. Hinang-hina na ang mga bampira samantala ang mga Lobo ay bago pa lang ginaganahan. Sinakmal ni Kupa ang leeg ni Melissa saka dinukutan ng puso.
Sa sobrang galit ni Don Juan ay sinunggaban nito si Kupa saka kinagat sa leeg. Nakita naman ni Richmond ang nangyari sa kanyang Ina kaya’t hindi ito nakapag pigil. Ay lumabas siya mula sa kanilang bahay saka sumalakay. Hindi na nagustuhan pa ng mga lobo ang paglalaro kaya’t tinapos na nila ang buhay ni Don Juan. Pinagtulungan nila itong paslangin hanggang sa wala nang matira sa kanyang katawan nasaksihan ni Richmond ang pagkamatay ng kanyang Ama kaya’t napa upo na lang ito sa sobrang galit.
Umiyak ito ng malakas saka sinugod si Michael na siyang pinuno ng bampira. Hindi na nakalapit pa si Richmond nang harangan siya ng isa sa mga Lobo at hawakan sa leeg. Lumapit sa kanya si Michael at saka pinilipit ang leeg.
“Mga walang kwentang Bampira!” sigaw ni Michael habang pinipilipit nito ang leeg ni Richmond.
Nang mapaslang nilang lahat ang mga tao at bampira ay sabay-sabay itong nag alulong at nagbago ng wangis. Bumalik sila sa anyong Lobo at sabay-sabay na umalis.
Lumipas ang isang minuto ay nakaramdam si Manilyn ng katahimikan mula sa loob ng kwarto. Lumabas ito ng bahay upang tingnan ang mga naganap. Nanlambot si Manilyn sa kaniyang mga nasaksihan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at napako sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula itong humagulgol nang makita ang bangkay ng kanyang Ama sa damuhan na walang lamang loob. Tumakbo ito sa kanyang ama at sinapo sa kaniyang balikat.
Isang malagim na pangyayari ang bumago sa buhay ng mga taga Baryo pilapil. Sa isang iglap ay naubos ang mga tao rito maging ang mga bampira.
Nakita rin ni Manilyn ang bangkay ni Richmond. Dahan-dahan niya itong nilapitan saka hinalikan. Niyakap niya ito habang magkadikit ang kanilang mga labi.
Habang nakayakap si Manilyn kay Richmond ay walang tigil ang pagpatak ng kanyang luha na dumidilig sa pisngi ng binata. Tumayo siya at naglakad palayo. Bago umalis ay hinalikan muna niya ang bangkay ng kanyang Ama.
Nang makahakbang ito ng lima ay biglang may yumakap sa kanyang likuran. Lumuluha ito at tila pagod na pagod. Nang humarap si Manilyn ay nabigla siya nang bumungad sa kanyang harapan ang isang lalaki. Lalaki na kaniyang unang minahal na walang iba kundi si Richmond.
Nagtaka siya kung paano ito nangyari, ngunit mas minabuti na lamang niyang ‘wag isipin. Ipinaliwanag ni Richmond ang lahat ng kaganapan sa baryo Pilapil at kung ano talaga ang totoo niyang pagkatao. Niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak. Patuloy ang pagpatak ng luha ni Manilyn. Ngunit mas lalo pa itong humagulgol nang ang lalaking kayakap niya kanina ay kaluluwa lang pala ng kanyang mahal na nais magpaalam sa kanya. Naglaho ito kasabay ng matamis na ngiti na ipinukol niya sa kasintahan.
Luhaang nilisan ni Manilyn ang Baryo pilapil. Naglakbay ito ng malayo kung saan ay magsisimula siya ng kanyang bagong buhay. At mamumuhay ng tahimik at payapa kasama ang ala-ala ng kanyang magulang at ng kanyang firstlove na si Richmond.
Wakas.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top