The One That Got Away – CHAPTER FOUR


Narrator…

The party started, everyone wearing their best dress. Si Adrian na kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan na parang may hinihintay. Busy ang lahat sa party, marami ng dumarating ngunit si Hanna nasa bahay pa rin, bihis na ngunit di pa rin bumababa ng room niya. Hindi mapakali sa suot, she wanted to look more beautiful tonight.
“I wanted him to see me at my best outfit.” Si Ethan kanina pa rin nag aantay sa kaniya. Gaya nga ng napag usapan nila, ito ang maghahatid sa kaniya sa party that supposedly kasama sana niya kung allowed mag sama ng outsider.
“Finally bumaba ka di-” Napatigil ito ng makita niya ang dalaga. Stunning and sexy in her long black evening dress. Ngayon lang niya kasi nakita itong pusturang pustura. Usually naka ripped jeans and shirt lang siya pinaka maayos na niya ay yung sinusuot niya everytime na papasok sa opisina. Pero ngayon iba talaga parang hindi si Hanna ang nasa harap niya.
“Uhm… have you seen Hanna. Late na kasi siya sa party.” Pagbibiro nito.
“Don’t make me feel awkward Eth!” Nahihiyang sabi niya. Hindi talaga siya sanay sa itsura niya ngayon but she has to do this. Kung hindi lang sa magiging kapalit ng hindi pagpunta eh hindi naman talaga din siya attend. Nagpalabas kasi ng memo si Adrian na lahat ng empleyado ng kumpanya ay kinakailangang umattend ng party. Ang mga hindi makakapunta ay masususpinda ng isang linggo.

On the way na sila sa event, hindi talaga maiwasan ni Ethan na mapalingon sa katabi.
“Ethan Rodriguez! Focus on your driving at hindi ako sanay ng ganyan ka sakin.” Sita nito sa kaniya.
“Then… you need to get used to it, dahil pagdating mo sa party there are a lot of guys who will stare at you the whole night.” Natatawa lang siya sa mga sinasabi ng kaibigan. Isa kaya si Adrian sa mga maglalaway sa itsura ko ngayon? Tanong niya sa sarili.
“Kasalanan ko ba kung head turner ang katabi ko.” Pagpapatuloy ni Ethan. Nasa location na sila ng party, bumaba si Ethan upang pagbuksan siya ng pinto at alalayang makababa ng kotse.
“Thank you…”
“Mag gate crush kaya ako, I don’t think I can leave you with those eyes staring at you na para ka nilang hinuhubaran.” Lahat ng dumaraan na lalaki talagang napapalingon sa kanila. She was wearing a black dress on a plunging neckline and backless na hanggang waist niya, sino ba namang hindi mapapalingon dito.
“Ethan, thank you talaga, sasabay nalang ako kina Gwen pa uwi. Malamang late na matatapos ito.” Nakaangkla ito sa binata habang nagpapaalam. Bago tuluyang maghiwalay nag beso muna siya sa kaibigan. Ethan’s gone and she was left standing in front of the entrance area.
Hindi niya napansin si Adrian na nasa labas.
She really looks different tonight. Napiling na bulong ni Adrian sa sarili. Sinundan niya ito papasok, si Hanna naman hinahanap ang mga kasamahan. Dahil nga mag isa siya minabuti na lang niyang kumuha ng alak. Sabi na maboboring lang ako dito eh, haaaist! Ininum ang kakukuha lang na alak at pagkaubos kumuha uli ng isa. Ngunit hindi niya napansin ang paglapit ni Adrian at hinablot ang baso sa kamay nito.
“Hey easy! It’s too early for that. Do you have plans to get drunk? ” Sabi nito na halata ang pagkainis sa tono ng pananalita.
“Mr. Carson, nasa party tayo. So… what I did is to entertain myself.” She said sarcastically.
“To get drunk is what you called entertaining, Ms. Dewey?!” Seryosong Adrian ang humarap sa kaniya.
“Nope Mr. Carson but why not!” She said, raising her eyebrows and turned around to walk away from him. But Adrian immediately grabbed her left arm and pulled her close to him.
“I’m warning you, Ms. Dewey. If you get drunk tonight I’ll make sure you will end up in my bed.” He whispered smirking.
“What a jerk!” Nagulat ito sa sinabi napaka straight forward ng Adrian na kaharap niya.
“Well Mr. Carson, just to make things clear even if I get drunk tonight I still know what I’m doing, okay!”
“Then, we’ll see.” Matigas na sabi nito. “And I still don’t know why you hated me so much, Ms. Dewey,” habol niya sabay binitawan ang dalaga na natulala sa mga sinabi nito.
“Seriously?! You didn’t know or sadyang-” naputol ang usapan nila nang dumating si Gwen.
“Good evening Mr. Carson.” bati sa kanya ni Gwen na napatigil sa pag sasalita ng makita kung sino ang kasama ng binata. “Wait… is that you Hanna? OMG! You really look different tonight at hindi talaga kita nakilala.Kaya mo pala mag ayus ng ganyan eh.” Gulat na sabi ng kaibigan. Ngumiti lang siya dito dahil iniisip pa rin niya ang mga sinabi ni Adrian. Hindi niya talaga maintindihan pero ang kaharap niya ngayon ay ibang tao, hindi ang Adrian na minahal niya noon.
“Welcome back Adrian Carson!” Sabi ng isang babaeng lumapit sa kaniya at binati ang binata sabay halik sa labi na ikinagulat ng dalawang magkaibigan.
“Uhm-ahm what are you doing here?” Sabi ng binata sa mystery girl.
“What a perv!” Bulong ni Hanna habang nakatitig sa kanya. “I think Gwen, we need to go medyo nagutom kasi ako. And I think Mr Carson already find his date, we won’t be needing here!” Sabi niya bago sila tuluyang umalis. Pipigilan sana silang umalis ngunit niyapos na siya nang babaeng akala mo linta kung makakapit. Muling nilingon ni Hanna si Adrian at nakita na nakayapos pa rin ito sa kaniya na mukha naman nag eenjoy.
“Why are you doing these?!” She said in a lower voice.
“Ano yun may sinabi...


ka ba?” Tanong ni Gwen na hindi masyadong naintindihan dahil sa background music sa party.
“Ha… wala!” Deny nito. “Let’s just eat sobrang gutom na talaga ako. Saan ba yung table niyo?” Inilihis ang usapan.

Everyone’s enjoying the party except to her. Tahimik siya na kumakain and umiinom at the same time. Sino ba yung babaeng yun, siya ba ang dahilan ng pagbabago niya. Kaya ba siya umalis dahil dun, haaist! Nagbuntong hiningi at ginawang tubig ang alak. She excused herself nang matapos kumain, she wanted to be alone… alone with her thoughts and with a glass of margarita. She went outside to breathe, feeling niya kasi na-suffocate siya sa loob. Hindi niya namamalayan nakarami na naman siya ng inom. Tuwing mapapadaan kasi sa kaniya ang waiter pinapalitan nito ang inumin niya. Medyo nakaramdam siya ng hilo kaya minabuti niyang maupo muna. She rest her back and lift her head to look at the sky. Pero mukha pa rin ni Adrian ang nakikita niya. Hay lasing na talaga ako ano bang klaseng alak ‘to parang nakakailang baso pa lang ako eh, tsh! Adrian!Adrian!Adrian! why you always keep popping in my head? Inalog alog ang utak nag babaka sakaling makalimutan niya ang binata, ngunit lalo itong nahilo. Minabuti na lang niyang bumalik sa mga kaibigan para makapag paalam, tatawagan na lang niya si Ethan tutal maaga pa naman. Patayo na siya nang bigla itong makaramdam na para siyang dinuduyan. Muntik na siya matumba buti na lang at nasalo siya ng matitipunong dibdib ni Adrian. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan, nagpunta kasi si Adrian sa table nila at hinanap siya at tinuro nga ang kinaroroonan niya.
“I told you not to get yourself drunk!” Matigas nasabi ni Adrian sa kaniya habang si Hannah ay nakasubsub pa rin sa dibdib ng binata. “I’ll drive you home!”
“You don’t have to… I can take a cab. Kaya ko sarili ko!” Sabi niya na halata sa boses ang pagkalasing. Agad na kumalas sa binata at naupo muli.
Adrian please… just go! Kung talagang kinalimutan mo na ang lahat lahat you shouldn’t be here acting like you care. Inalis ng binata ang coat nito at isinuot sa dalaga.
“Next time you wear this dress make sure to bring your coat,” Nagulat ito sa gesture ng lalaki. And you should stop being so sweet. Hindi pa rin niya kinakausap ang binata. “Let’s go, I’ll take you home!”
“I told you I can take care of myself and I still know my way home. So stop acting you care!” Medyo nagtaas ng boses si Hanna dahil lasing na nga ito at hindi ma-control ang sarili.
“And what made you think that I’ll let you go home alone?”
“And what made you think too that I will be alone?” pang aasar pa nito.
“I’m not asking your permission, Ms. Dewey I’ll do it either you said yes or no!” Sabay hinila ang kamay palabas ngunit nag pupumiglas ito kaya medyo nahirapan si Adrian ilabas siya. “Makikipag talo ka pa ba talaga sa akin. I’m telling you, you don’t have much strength or you want me to carry you outside the party?!” Galit na sabi ni Adrian.
“Okay, you don’t need to take me home. Adrian please…” Mahinahon na sabi nito. Inilabas ang cellphone, “I can call Ethan to pick me-” hindi na natuloy ang sasabihin pa dahil inagaw ng binata ang phone niya at binuhat siya nito palabas, pinatong sa balikat niya na parang bata. “Mr. Carson! Put me down!” Nagpupumiglas na sabi niya.
“Don’t you dare call that guy!” Galit na sabi nito. Nasa labas na sila at ng ibaba niya ito napasandal si Hanna sa kotse niya sa sobrang hilo. Mukhang lalo niyang naramdaman ang pagkalasing ng binuhat siya nito. Tama si Adrian wala siyang lakas makipagtalo kaya sumunod na lang ito sa binata. Mabilis ang takbo ng sasakyan, minabuti na lang niyang manahimik at isandal ang ulo para makaidlip. Nakatulog nga siya buong byahe, nagising na lamang siya nasa tapat na sila ng condo ng binata.
“What are we doing here?”
“Tinatanong kita if saan ang way papunta sa inyo but all you’ve said was bahala ako. Then, I decided to take you in my place.” Hindi na siya makapag isip ng matino at ramdam na niya sa buong katawan ang epekto ng ininum niya. Lumapit si Adrian sa kaniya upang ihatid sa room na pwede niyang tulugan. Napaatras ito at muntik matumba ngunit nasalo muli siya ng binata. “Hey, I won’t bite.” nakangiting sabi nito sa kaniya. Pagtayo nito hindi siya nakaiwas sa tingin ng binata na nagtagal ng ilang segundo. God I didn’t know how fragile she is… out of curiosity pa rin ba ‘to? Para siyang na magnet sa titig ng binata dahil next thing she knew… she was kissing him hard. Adrian carried her on his room habang hinahalikan siya. Nang makarating sa kwarto niya, hinalikan muli siya nito. “I won’t dare to hurt you Han,” Bulong nito.
“But… you… already did…” sabi niya habang hinahalikan siya nito.
“I don’t understand…” hindi na masyadong naintindihan ni Hanna ang huling sinabi nito, dala na rin sa sobrang kalasingan niya at sa halik na ginagawa ni Adrian.
I really don’t understand what was your issue but I’ll make sure to win your trust, Hanna. Sabi niya. “Trust me on this, Han.” He whispered while kissing her earlobe. He goes back to her lips and kiss her softly until it becomes hard wanting more of her.

Hindi nila parehong inaasahan ang mga nangyari night after the party but they were both felt different and complete.

To Be Continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top