WALA TALAGANG SECOND CHANCE SA PAG-IBIG (2)


WALA TALAGANG SECOND CHANCE SA PAG-IBIG
(2)
_______________________________________________________
“Yes, Miya.” magiliw niyang tugon sa bata. “Tapos ka na ba sa pagdradrawing mo?”
“Opo Ma’am Krisline.” anito sabay abot sa papel na tinago pa nito mula sa likod. Kinuha naman ito agad ni Kristine atsaka bahagyang nagulat sa nakitang iginuhit ng bata.
Para kase sa kanilang daily art activity, inatasan niya ang mga mag-aaral na iguhit ang kani-kanilang pamilya.
Tatlong tao ang iginuhit ni Miya sa papel. Isang tatay, Isang nanay at isang maliit na batang babae. Sa bawat ilalim nito ay nakasulat ang kanilang pangalan. Miyabelle ang pangalan ng anak, Andrei para sa tatay at Kristine naman ang sa nanay.
Ito ang medyo ikinabigla niya.
Hindi siya maaaring magkamali ng interpretasyon na siya ang nakadrawing na mama nito, dahil sa unahan ng kanyang pangalan nakasulat pa ang salitang “Ma’am”. Nangingiti siyang napatitig kay Miya. “Bakit ako ang nilagay mong mommy, Miyabelle?”
“E kase po.. Wala na akong mommy, naging angel na sya sa langit sabi ni daddy..” Tila may kumirot sa puso ni Kristine pagkatapos malaman na ulila na pala sa nanay ang bata. “Tapos po, naalala ko po nang sunduin ako ng daddy dati dito sa school. Ang sabi niya sa akin, kung okay lang daw na ikaw ang maging bago kong.. mommy.”
Yung ngiti ni Kristine agad na napalitan ng ngiwi matapos marinig ang sinabi ng batang babae. Pakurap-kurap niyang sinalubong ang inosenteng mga titig nito na wala manlang kaide-ideya sa sinabi. Di niya tuloy masabi kung totoo bang sinabi ng daddy nito ang bagay na iyon o dala lang ng malikot nitong imahinasyon.
Gayunpaman, naramdaman agad ni Kristine ang bahagyang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
“O-Okay lang po ba Ma’am Krisline?” ani pa nito habang hinihila ang mangas ng suot niyang damit.
“Syempre.. naman Miya.” sang-ayon naman niya saka marahang pinisil ang bilugang pisngi ng bata.
Paano ba naman niya magagawang tanggihan ang kainosentehan nito. Siya lang naman ‘tong parang timang na nagpapaapekto gayong sa drawing lang naman siya ginawang mommy ni Miya.
“Thank you po, Ma’am Krisline.”
Napangiti nalang din siya pagkatapos gawaran ng bata nang pinakamatamis na maibibigay nito.
________________________________________________________
“Kristine, hintayin ka nalang namin sa coffee shop ah.” bilin ni Jenny bago umalis kasama ang ilan pa sa mga co-teachers nila. “Okay. Ingat kayo.” aniya. Noong nakalipas na buwan pa nila plinano ang paglabas ng magkakasama kaso ngayon lang sila sabay-sabay na nagkaroon ng maluwag na schedule.
Ang kaso, tsumempo naman na hanggang ngayon hindi parin dumadarating ang sundo ni Miyabelle. Mag-aalas singko trenta na ng hapon, kadalasan namang dumarating ang sundo ng bata nang maaga pa sa alas-singko. Bilang guro nito at dala na rin ng konsensya, hindi maatim ni Kristine na iwanan ang bata mag-isa. Kesehodang naririto naman si mamang guard upang samahan si Miya sa paghihintay, sakanya parin ipinagkatiwala ang responsibilidad bilang pangalawang magulang ng mga ito sa eskwelahan.
Hindi niya na kailangang tanungin si Miya kung kamusta ba ito, dahil mahahalata agad ang pagkabagot sa hitsura ng bata. Tumabi siya ng upo kay Miya na kasalukuyang nakapangalumbaba at kanda haba na ang nguso.
“Darating din ang sundo mo, Miya. Wag ka ng sumimangot. Andito naman si teacher eh.” Napatingin ito sakanya.
“Eh bakit kaya wala palin si Daddy?”
“Hmmm. Hindi ko alam pero maraming pwedeng maging dahilan. Tulad ng baka natrapik o kaya marami siyang ginawa sa trabaho, diba?” paliwanag niya na matipid namang tinanguan ni Miya saka muling bumalik sa pag pangalumbaba. Hindi na umimik si Kristine, tahimik nalang niyang pinanood si Miya na panay ang tingin sa gate ng school. Inaabangan malamang ang pagdating ng daddy nito.
“5:55” pabulong niyang sabi pagkatapos tingnan ang oras sa suot na relo. Nakailang text narin si Jenny sakanya, tinatanong kung nasaan na ba...


siya. Batid niya na ilan sa mga kasama nilang guro ay mayroon nang sariling pamilya na naghihintay sa bahay. Sa takbo pa naman ng sitwasyon mukhang matatagalan pang makarating ang daddy ni Miya.
“Ma’am.” tawag ng guard sakanya. “Ano ho iyon?”
“kakatawag lang ni Sir Andrei, matatagalan pa daw siya dahil naipit ito sa trapik.”
“Ganun ho ba.” Napatingin si Kristine sa gawi ni Miya na mas lalo pang humaba ang nguso. Napaisip tuloy siya kung ano bang gagawin dahil sila nalang ni Miya ang natitirang tao sa school. Sumama siya sandali sa guard pabalik sa outpost nito upang kuhain ang contact number ng daddy ni Miya.
“Miyabelle, halika sumama ka nalang muna sa akin. Doon na natin hintayin ang daddy mo sa mall.” baling niya sa bata pagkabalik. “Eh paano po ang daddy, hahanapin po ako nun.”
“Wag kang mag-alala, ako nang bahalang makipag-usap sa daddy mo.”
Sandaling natahimik si Miya, tila pinag-iisipan pa kung papayag sa inaalok niya. Maya maya’y tumango din ito saka kinuha ang mga gamit. “Ako na ang magdadala nitong bag mo ha.” aniya na di naman tinanggihan ng bata.
May kalapitan lang sa school ang mall na pinuntahan nila. Dumiretso sila sa sikat na coffee shop kung saan naghihintay ang mga kasamahan ni Kristine sa trabaho. Bago yun, nauna nang nakausap ni Kristine ang daddy ni Miya, ipinaalam niya ang pagsama sakanya ng anak nito at napagkasunduan nilang dito na sa mall susunduin ang bata.
Regular cappuccino at chocolate cake ang inorder ni Kristine. Milk tea naman at doughnuts ang para kay Miya.
Mag aalas-siyete na ng gabi nang isa-isang magpaalam ang mga kasama nila. “Mauuna na ko sainyo ha, Kristine. Baka kase matunaw tong dala kong pasalubong para sa mga tsikiting ko.”
“No problem Jenny. Mag-iingat ka sa byahe mo pauwi.” ani ni Kristine sa kaibigan. Tutal malapit narin naman daw ang daddy ni Miya kaya dito na sila maghihintay sa tapat ng mall.
“Daddy!” napalingon siya sa gawing tinitingnan ng bata. Isang black montero sport ang nakita niyang papalapit sa kinatatayuan nila at huminto pagdating sa mismong tapat nila.
Lumabas mula rito ang humahangos na lalaki. Medyo nanlaki ang mga mata ni Kristine matapos makita ang katangkaran nito at ang matipuno nitong pangangatawan.
“I’m really sorry baby kung sobrang nalate ang daddy. Nagkaroon kase ng aksidente sa daan kaya nahirapang makarating agad ang daddy.” Paliwanag nito agad sa anak atsaka kinarga ito pagkatapos.
Sunod naman siya nitong binalingan. Di maintindihan ni Kristine ang sarili kung ano bang biglang nangyari, nang di sinasadyang pumitik ang tibok ng puso niya pagkatapos magtama ng kanilang mga mata. “I’m really sorry for the trouble and inconvenience Miss Madrigal. Sana hindi ka pinahirapan ng kakulitan nitong anak ko.” paumanhin nito na di manlang inaalis ang titig sa mukha niya.
“Don’t worry, Mister Santillan. Mabait at masunurin namang bata si Miyabelle. Sa katunayan, nag-enjoy pa nga ako na kasama siya.” may ngiti niyang tugon saka inilipat ang titig sa batang karga nito na abot tainga naman ang ngiti.
“Hays. It’s a relief after hearing you said that. Kanina pa kase talaga ako nag-aalala. Anyways, I believe this is the first that we officially met. I’m Andrei.” nakangiting pakilala nito kasabay ng paglalahad nito ng isang kamay.
Malugod naman itong tinanggap ni Kristine. “Nice to meet you, Andrei. I’m teacher Kristine Madrigal, pero alam kong kilala mo na ko.”
“Daddy look.” singit ni Miya sa usapan. Itinapat nito ang braso na puno ng stars sa mukha ng ama. “Wow! Very good pala today ang baby ko eh. Ang daming stars niyan ah.”
“Opo daddy!” may pagmamalaking sagot ni Miya. “And you know what daddy, kanina sa art namin dinrawing ko yung family natin.”
“Really?”
“Opo. I draw myself, you and.. Ma’am Krisline.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top