Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Nandito kami ngayon sa parke.Kapag kase pumupunta ako sa lugar na ito parang gumagaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa mundong ito para bigyan ako ng maraming problema .
” Bella , wag ka ng umiyak , ako ang nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan.”
” Franco , pwede bang hayaan mo muna akong mag-isa ? ”
” Ayokong iwan ka dito.Delikado ang panahon ngayon baka kung anong mangyari sayo ”
” Please Franco , gusto ko munag matahimik kahit ngayon lang.Pangako babalik din naman agad ako sa bahay nyo ”
” Ikaw ang bahala,nirerespeto ko naman lahat ng desisyon mo basta mag-iingat ka dito ha.Tawagan mo ako kapag may nangyari sayo ”
” Opo ”
Hindi naman nagtagal ay nakita kong umalis na si Franco.
Mabuti nalang palagi siyang nasa tabi ko hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala akong karamay sa pagkakataong ito.
Dumidilim ang kalangitan.
Tila naghuhudyat ito ng malakas na pag-ulan.
Bakit ba sa tuwing malungkot ako , nakikisabay din ang panahon.
Hindi ko alam kung nasa maayos na kalagayan ang kapatid ko at ang anak nito.
Napakasakit para sa akin na malamang buntis siya at ikakasal pa kay Sky.
” Sa wakas nakita din kita.”
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
” Anong ginagawa mo dito Sky ? Di dapat nasa tabi ka ng kapatid ko dahil sa nangyari kanina.”
” Elise , ano naman ang gagawin ko sa tabi ng babaeng iyon kung nandito naman sa harapan ko ang mahal ko.”
” Anong sinasabi mo ? ”
” Ang sinasabi ko ay mahal kita.”
” Ayoko ng lokohan Sky kaya kung maaari ay umalis kana dahil gusto kong mapag-isa.”
” Elise , ayusin natin ang lahat,ayusin natin ang naudlot nating relasyon ”
” Walang aayusin Sky dahil simula ng umalis ako sa bahay mo ay doon ko na tinapos ang namamagitan sa atin at kung ayaw mong umalis dito pwes ako nalang ulit ang lalayo sayo ”
Naglakad na agad ako palayo sa kanya ng bigla itong magsalita.
” Hindi ako ang ama ng batang sinadala ng kapatid mo ”
” Hindi mo na ako maloloko pa Sky ”
” Simula ng umalis ka at lumayo sa aming lahat ay ganong katagal ding nawala si Zeny.Nalasing daw siya isang gabi at may gumalaw sa kanya at nabuntis siya.Umuwi siya ng pilipinas para ayusin ang gulong naiwan niya.Tinapos na din ni Zeny ang lahat ng namamagitan sa amin.Hindi binigyan ng magulang mo ng pagkakataong magsalita si Zeny kaya ang alam nila ay ako ang nakabuntis sa kanya.Malapit na ding umalis ng bansa si Zeny para hanapin ang lalaking tuluyang sumira ng buhay niya.”
Umiiyak si Sky habang nagsasalita.
Ito ang unang pagkakataong makita...