Love at First Seat


Author: Crystal Rogue
Genre: RomCom
Prologue:
She’s an ordinary employee sa isang sikat na fine dining restaurant dito sa Makati. Bakit? kasi para sa kanya, nag aaral pa siya kaya hindi pa siya pwede matawag na isang Chef. Although, ang talagang position niya ay isang Assistant Chef. Sino siya? Siya si Jennaline Marthine Hudgens, yes, Hudgens kasi anak siya ng isang amerikano na hindi na niya nakita mula ng iwan nito ang kanyang nanay after she was born. She hates her father. Pero para na rin sa mama niya, pilit nalang niya kinalimutan iyon. Nagpapasalamat pa din siya dahil hindi naman siya pinababayaan ng kanyang nanay. Dati iyon. dahil ngayon nasa Switzerland na ito kasama ang binuo nitong pamilya. Kung tutuusin, pwede naman siya doon nalang mamalagi. Pero dahil alam niyang ayaw naman sa kanya ng step father niya, pinili na lamang niya umuwi rito sa pilipinas at hanapin ang kanyang kapalaran.
More than 3 years na din siyang nagtratrabaho at masaya naman siya sa ginagawa niya. Yun nga lang, wala na siyang balita kung nasaan na ba ang...


kanyang nanay. Ang huling usap nila ay nang tumawag ito ng 18th birthday niya. 21 na siya ngayon, in fact, kagabi lang pala. Wala naman siyang ginawa sa birthday niya pero ang mga kaibigan niya sa Outback Steak house ay niregaluhan siya ng isang regalong hinding hindi niya kayang tanggihan. Isang One Week Vacation sa Palawan!
And her journey to love and romance will begin there.. 🙂
***************
He’s a health buff, a sports minded guy, a typical snobbish guy. Yes. That’s him. The multibillionaire heiress Mr. Jander Lexi Munoz. Walang ibang ginawa kundi ang maglakwatsa. in fact, he traveled all over the world. Pero isang lugar lang ang palagi niyang binabalikbalikan. Iyon ay ang El Nido Resort sa Palawan. For him, it’s like a paradise. A stairway to heaven. 🙂 Pakiramdam kasi niya, malayo siya sa lahat ng problema kapag nandun siya. Kaya naman kahit paulit ulit niya iyong balikan, hinding hindi talaga siya magsasawa. And not to mention, there.. In that place he called Paradise, it will be the witnessed how his life will change forever. 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top